Sa gitna ng papalapit na Pasko, dalawang limang taong gulang na bata ang natagpuang wala nang b.u.h.a.y sa magkaibang lugar sa Batangas. Parehong nakasilid sa sako, parehong gin.a.h.a.s.a, at parehong iniwang sugatan ang buong komunidad.

Ilang araw na lamang bago sumapit ang Pasko, ngunit sa halip na saya at pag-asa ang manaig, matinding lungkot at takot ang bumalot sa lalawigan ng Batangas. Dalawang magkaibang insidente, dalawang batang babae na parehong limang taong gulang, at iisang kalunos-lunos na sinapit ang gumulantang sa mga residente ng Tanauan at Santo Tomas.

Noong Disyembre 19, 2025, unang yumanig ang balita sa Tanauan City matapos matagpuan ang katawan ng isang batang babae sa gilid ng sapa sa Barangay Maugat. Ayon sa ulat ng Tanauan Component City Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa isang puting sako na kahina-hinalang naiwan sa lugar.

Agad na rumesponde ang mga pulis kasama ang Scene of the Crime Operatives. Pagbukas ng sako, tumambad ang isang eksenang mahirap kalimutan—isang batang babae, walang saplot, may malaking hiwa sa leeg, at wala nang b.u.h.a.y. Kalaunan, kinilala ang biktima sa alyas na Angel.

Sa isinagawang postmortem examination, kinumpirma ng mga awtoridad na ang bata ay positibong gin.a.h.a.s.a bago p.i.n.a.t.a.y. Ang balitang ito ay nagdulot ng matinding pagkabigla at galit hindi lamang sa pamilya ng biktima kundi sa buong komunidad.

Ayon sa salaysay ng ina ni Angel, huling nakita ang bata noong Disyembre 18, 2025. Maaga raw itong iniyaya ng anak ng kanilang kapitbahay na maglaro. Bagama’t abala siya sa pagtutupi ng labada at hindi pumayag, hindi niya namalayang umalis pa rin ang kanyang anak.

Sanay umano ang pamilya na naglalaro ang mga bata sa labas ng bahay, kaya’t una ay hindi sila agad nabahala. Ngunit nang magsimulang dumilim ang paligid at hindi pa rin umuuwi si Angel, doon na pumasok ang matinding pangamba.

Agad na nagsagawa ng paghahanap ang pamilya kasama ang barangay. Kahit pagod mula sa trabaho, hindi tumigil ang ama ng bata sa pag-iikot sa mga posibleng puntahan ng kanyang anak. Magdamag silang naghanap, hanggang sa sumapit ang madaling-araw ng Disyembre 19.

Sa paghahalughog sa masusukal na bahagi malapit sa kanilang bahay, partikular sa gilid ng sapa sa Barangay Maugat, doon natagpuan ng ama ang pinakamasakit na tanawin—ang katawan ng kanyang anak na nakasilid sa sako.

Sa mabilis na imbestigasyon ng pulisya, dalawang suspek ang agad na naaresto. Lalong ikinagulat ng lahat nang matuklasan na ang mga ito ay hindi estranghero kundi mga kapitbahay mismo ng biktima. Lumabas sa imbestigasyon na inutusan ng suspek ang sariling anak upang sundan si Angel at yayain itong maglaro, bagay na tumugma sa salaysay ng ina ng biktima.

Dinala si Angel sa bahay ng mga suspek, kung saan umano isinagawa ang madilim na krimen. Halinhinan umanong gin.a.h.a.s.a ang bata bago p.i.n.a.t.a.y at itinapon sa gilid ng sapa. Nakarekober din ang mga imbestigador ng isang jersey na kahit nalabhan ay may bakas pa rin ng dugo.

Habang sariwa pa ang sugat ng Tanauan, isa na namang trahedya ang sumunod kinabukasan sa Santo Tomas City. Noong Disyembre 20, 2025 ng madaling-araw, isang tawag ang natanggap ng Santo Tomas City Component Police Station hinggil sa isang batang natagpuang wala nang b.u.h.a.y sa isang creek sa Blue Isle Subdivision, Barangay Sta. Maria.

Ang biktima ay kinilalang si Arabela, limang taong gulang. Tulad ni Angel, ang kanyang katawan ay nakasilid din sa puting sako. Sa isinagawang pagsusuri, positibo ring kinumpirma na siya ay gin.a.h.a.s.a. Nakitaan din siya ng malalalang sugat sa ulo at bakas ng cord ng charger sa kanyang leeg.

Huling nakita si Arabela bandang alas-diyes ng umaga ng Disyembre 19, 2025 na naglalaro sa labas ng kanilang bahay. Makalipas lamang ang ilang oras, bigla na siyang nawala. Agad na humingi ng tulong ang pamilya sa barangay at pulisya, subalit lumipas ang magdamag na wala siyang bakas.

Sa malawakang imbestigasyon ng pulisya, malaking tulong ang nakalap na CCTV footages sa lugar. Sa isang kuha, makikitang masayang naglalakad si Arabela sa eskinita habang kumakanta ng pamaskong awitin. Makalipas ang ilang sandali, isang lalaking nakasuot ng pulang damit ang lumabas ng gate at inakay ang bata papasok sa bahay.

Sa isa pang CCTV footage, nakita ang parehong lalaki na may dalang puting bagong biling sako. Mayroon ding kuha malapit sa lugar kung saan natagpuan ang katawan ng bata na nagpapakita ng paggalaw ng mga halaman—palatandaan ng oras ng pagtatapon.

Dahil sa mga ebidensiyang ito, agad na naaresto ang 22-anyos na suspek na tinago sa alyas na Jay. Sa kanyang pag-amin, itinuro rin niya ang 33-anyos na kasabwat na tinago sa alyas na Mark. Ayon sa salaysay, sinakal umano nila ang bata gamit ang cord ng charger at ilang ulit na inuntog sa semento hanggang mawalan ng b.u.h.a.y.

Matapos mawalan ng b.u.h.a.y ang bata, saka pa umano nila ito gin.a.h.a.s.a bago inilagay sa sako at itinapon sa creek. Sa kabila ng pag-amin ng isa, nanatiling tahimik at itinanggi ng isa pang suspek ang mga paratang.

Dahil sa dalawang magkaibang ngunit magkahawig na krimen, agad na kinasuhan ang mga suspek ng r.a.p.e at m.u.r.d.e.r sa kani-kanilang prosecutor’s office sa Tanauan at Santo Tomas.

Ang sinapit nina Angel at Arabela ay muling nagbukas ng masakit na tanong sa lipunan—bakit patuloy na nabibiktima ang mga walang kalaban-laban, lalo na ang mga bata? Sa harap ng mga pangyayaring ito, nanawagan ang PNP sa mga magulang na maging mas mapagmatyag, lalo na ngayong panahon ng pangangaroling.

Paalala ng mga awtoridad, huwag hayaang mag-isa ang mga bata sa paglabas ng bahay. Kung hindi man kayang samahan ng magulang, mas mabuting may kasamang nakatatandang kapatid o responsableng kasama upang masigurong ligtas ang mga bata.

Sa halip na masayang awitin ng Pasko, ang iniwang tunog ng dalawang kasong ito ay iyak ng mga pamilyang nawalan at isang komunidad na sugatan. Ang mga batang sina Angel at Arabela ay dapat sanang nagbibilang ng araw hanggang Pasko, hindi naging simbolo ng karahasang patuloy na humahamon sa konsensya ng bansa.