Isang tahimik na villa sa Barcelona ang naging sentro ng matinding bangungot matapos mawala ang isang magkasintahan. Sa likod ng nakasarang pinto, unti-unting nabunyag ang isang planadong krimen na kinasangkutan ng sariling pamilya, na yumanig hindi lamang sa Spain kundi sa buong mundo.

Bandang alas-siyete ng gabi noong Hulyo 28, 2009, nakatanggap ng emergency call ang pulisya sa Barcelona, Spain. Isang matandang babae ang tumawag, nanginginig ang boses habang ipinapaliwanag na ilang araw na niyang hindi makontak ang kanyang mga anak. Wala umanong paliwanag, walang tawag, walang mensahe. Dahil sa matinding pag-aalala, personal siyang nagtungo sa kanilang bahay upang tingnan ang kalagayan ng mga ito.

Ang bahay ay isang tatlong-palapag na villa sa Canamat residential area, isang tahimik at maayos na komunidad. Ngunit nang makarating siya roon, isang kakaibang detalye ang agad bumungad. Ang pintuan ay mahigpit na nakasara at naka-lock mula sa loob…. Ang buong kwento!⬇️ Kahit ang susi na matagal na niyang hawak ay hindi gumana.

Ang matandang babae ay kinilalang si Clara. Ang villa ay nakapangalan pa rin sa kanyang dating asawa na pumanaw na. Dito minsang namuhay ang buong pamilya noong maayos pa ang lahat. Ngunit nagbago ang lahat matapos ang diborsyo higit isang dekada na ang nakalilipas.

Matapos ang hiwalayan, umalis ang kanyang dating asawa. Si Clara ay lumipat sa ibang lugar kasama ang ikalawang anak na si Mario. Samantala, nanatili sa villa ang panganay na si Hector kasama ang kanyang asawang si Susanna. Ang bunsong anak na si Hugo ay matagal nang may alitan kay Hector kaya noong 2003 ay umalis siya at namuhay mag-isa.

Makalipas ang ilang taon, muling nagbago ang sitwasyon. Dalawang buwan bago ang insidente, nawalan ng trabaho si Hugo. Kasabay nito, nabuntis ang kanyang kasintahan na si Xiani. Dahil sa problemang pinansyal, napilitan silang bumalik sa villa upang makatipid sa renta.

Dito nagsimulang tumindi ang tensyon. Ang ikalawang palapag ay okupado nina Hector at Susanna, habang sa unang palapag naman nanirahan sina Hugo at Xiani. Pinagsasaluhan nila ang kusina, sala, hardin, at basement. Magkaiba ang kanilang pamumuhay. Tahimik at sarado sa mundo sina Hector at Susanna, habang palakaibigan at mahilig sa pagtitipon sina Hugo at Xiani.

Noong Hulyo 25, inaasahan ng mga kaibigan ni Hugo ang kanilang lingguhang salu-salo. Ngunit hindi dumating ang magkasintahan. Walang sagot sa tawag, walang paliwanag. Isa sa mga kaibigan, si Nicholas, ang labis na nabahala at kinabukasan ay nagtungo sa villa.

Si Hector ang nagbukas ng pinto at kalmadong sinabi na umalis umano ang kapatid at kasintahan nito papuntang probinsya. Ngunit may mga detalye itong hindi tugma sa alam ng mga kaibigan. Lalong lumalim ang hinala nang pati ang kapatid nilang babae ay walang alam sa sinasabing biyahe.

Sa una, pinaniwalaan ito ni Clara. Ngunit pagsapit ng Hulyo 28, hindi na rin makontak kahit si Hector. Dito na siya tuluyang natakot at nagtungo sa villa, na humantong sa pagtawag niya sa pulisya.

Matapos makapasok ang mga pulis, napansin nilang walang senyales ng puwersahang pagpasok. Ngunit isang detalye ang agad pumukaw ng hinala. Naiwan sa silid ng unang palapag ang bag ni Xiani, kasama ang kanilang mga ID at pasaporte. Isang malinaw na senyales na hindi sila kusang umalis.

Dahil wala pang search warrant, limitado ang galaw ng pulisya. Nasulyapan nila ang basement at isang malaking freezer, ngunit hindi pa ito binuksan. Si Clara ay nanatili sa bahay, umaasang babalik ang kanyang mga anak.

Kinabukasan, habang nagtitipon ang mga kaibigan ni Hugo, bumaba si Clara sa basement upang kumuha ng inumin. Pagbukas niya ng freezer, bumungad ang isang tanawing hindi na niya malilimutan. Mga itim na plastic bag na may laman na tila bahagi ng katawan ng tao. Sa sobrang takot, napasigaw siya at nawalan ng lakas.

Nang dumating ang pulisya, natuklasan ang apat na pakete na naglalaman ng pira-pirasong katawan ni Hugo. Sa ibaba ng freezer, isang buo ngunit patay na katawan ng babae ang natagpuan. Ito ay si Xiani, buntis.

Lumabas sa forensic report na si Hugo ay may walong saksak at p.i.n.a.t.a.y ng higit sa isang tao. Si Xiani naman ay namatay dahil sa s.a.k.a.l at p.a.g.s.a.k.a.l. May bakas ng paglaban sa kanyang mga braso at may alkohol sa kanyang dugo, bagay na hindi niya ginagawa mula nang mabuntis.

Sa masusing imbestigasyon, natagpuan ang mga kutsilyo, p.a.l.a.k.o.l, electric saw, at iba pang kagamitan. Higit 200 patalim ang nasa loob ng bahay. Tatlo rito ay may dugo ni Hugo.

Sa silid ni Hector, natagpuan ang mga notebook na naglalaman ng detalyadong plano ng krimen. Mula sa paghahanda, paraan ng p.a.g.p.a.t.a.y, paglilinis, hanggang sa posibleng sagot sa interogasyon ng pulisya. Nandoon din ang iskedyul ng biktima at guhit ng villa.

Ang lahat ay nagturo kina Hector at Susanna bilang salarin. Sila ay tumakas ngunit kalaunan ay naaresto sa France makalipas ang halos dalawang buwan. Sa kanilang sasakyan, natagpuan ang mga patalim at tape.

Ang kasong ito ay nag-iwan ng malalim na sugat sa pamilya at komunidad. Isang paalala kung paanong ang tahimik na tahanan ay maaaring maging entablado ng isang planadong trahedya, at kung paanong ang kasakiman, galit, at katahimikan ay maaaring humantong sa isang bangungot na hindi na mabubura.